Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (285)

LUMUHOD na ang mga nasa labas ng selda na sina Angela at Ariel.

Lumuhod din ang mga nasa loob ng selda na sina Yawan at Yawanaya.

Napapaisip si Angela.

“Kapag sumasabay sila ng pagdadasal sa amin, hindi kaya may mangyayari sa kanila kapag hindi naman pala totoong nasa side ng kabutihan na sila?” Sarili lamang ni ­Angela ang nakaka­rinig sa tanong niyang ito.

Si Ariel naman ay halos ganoon din ang laman ng isip.

“Kung nagkukun­wari lang ang mga ito siguradong habang nagdadasal kami ay makikita naming nahihirapan sila.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinimulan nina Angela at Ariel ang pagdadasal.

“Our Father who is in heaven. Holy is your name ...”

Taimtim na dasal nina Angela at Ariel.

Pero palihim din nilang pinagmamasdan sina Yawan at Yawanaya ... may pagbabago na ba sa mga ito?

Nangangapos ba ang hininga?

Umuusok ba?

Nangingisay ba?

Wala silang napansing kakaiba. Normal na normal na nakikisabay sa pagdadasal sina Yawan at Yawanaya.

Hanggang sa natapos ang pagdadasal.

Wala nang magawa sina Angela at Ariel kundi maniwalang totoo na ngang nagpapakabuti sina Yawan at Yawanaya.

Kaya tinanggap na rin ang dalawa ng mabu­ting Diyos.

Natuwa naman sina Angela at Ariel.

“Ariel, walang nangyaring masama sa kanila. Kaya sigurado na ako na mababait na nga sila.”

“Ako rin, e. Mabuti pa, bilhan natin sila ng maalmusal sa labas.”

“Aba, oo naman, Ariel. Tiyak na gutom na sila. Teka, magpapaalam ako.”

“Uhm, Yawan ... Yawanaya, bibili lang kami ni Ariel na maaalmusal ninyo, ha? May gusto ba kayong pagkain?”

 Ang sagot ng utak ni Yawan ay: Tao sana. Nang nakita ko si Nanay na busog na busog, bigla akong nag-crave ng dugo ng tao, laman ... mabuti pa si Nanay nakatawid na sa ganong estado. Eh, kami ni Yawanaya ... as usual pa rin. Pasunug-sunog lang ng tao at mga properties. Kaka-boring na talaga!”

Pero siyempre, iba ang isinagot niya sa tanong. “Barbecue na lang.” Itutuloy

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: