Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Asong Inabandona sa Kanal Na-rescue

Sa panahon ngayon, halos pangkaraniwan na ang mga istoryang ating naririnig tungkol sa mga asong inabandona at pinahirapan na na-rescue at napunta sa animal shelter.

Ganun pa man, marami pa rin ang naantig sa viral story ng tutang si Holland. Nakuha ang nasabing aso sa isang lugar na malapit sa kanal.

Maraming sugat sa katawan at ang malala, hindi pa nagugupitan ang kanyang buhok kaya mara­ming parasite ang kumapit sa kanya. Ayon pa sa mga nakakita, inakala nilang hindi na tatagal sa mundo si Holland dahil wala na rin itong gana kumain.

Pero hindi sumuko ang isang grupo. Binigyan nila ng mga gamot at sinailalim sa emotional rehabilitation si Holland.

Pagkatapos noon ay maingat na kinalbo ang aso. Dalawang linggo na ang lumipas at masiglang-masigla na muli si Holland.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: