^

Para Malibang

Kailan Dapat Ituro ang patungkol sa Sex sa Anak?

Pang-masa

Iniisip ng mga magulang na hindi pa sexually active ang mga anak sa edad na 15 years hanggang 19 years old. Pero nagkakamali ang marami kaya nga mataas ang rate ng teen pregnancy sa bansa ngayon ay dahil sa walang guidance ang mga anak pagdating sa usaping sex.

Payo ng psychologist na huwag nang hintayin ang anak na tumuntong sa edad na 15 years old bago ituro sa bata ang tungkol sa sex. Magsimula habang bata pa ang anak sa edad na angkop na sa discussion para ihanda sa kung ano ang posibleng mangyayari. Bago pa magsimulang magbago ang katawan ng mga anak sa puberty stage ay kailangang nilang maintindihan kung anong nangyayari sa kanilang nag-iiba ng mundo.

Sa ayaw o gusto ng magulang na pag-usapan ang sex sa loob ng bahay. Malalaman at malalaman ito ng mga anak na madalas ay sa ibang tao pa gaya ng classmates, barkada, kaibigan, kapitbahay, panonood ng TV o ibang palabas, o sa kanilang mga nobyo o nobya. Mas nagiging curious ang mga bata kapag mas lalo silang pinipigilan. Pero bago ang usapan dapat iklaro muna ng magulang kung anong tamang value ang gustong ituro sa anak. Kung nahihirapan maaaring basahin ang Bible sa Kawikaan 4,5, & 6 na nagtuturo ng pamantayan tungkol sa sex o puwede rin kumonsulta sa kanilang school.

Kailangang pag-usapan nina mister at misis kung anong malinaw na standard sa sex na ituturo sa mga bata. Bago pa ma-corrupt ng ibang tao ang isipan ng mga anak tungkol sa sex.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with