^

Para Malibang

Pangalawang Anino (283)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI tuloy malaman ng hepe kung paaalisin pa nga ba sina Yawan at Yawanaya.

Nasa record nila na maraming sinaktan at may mga napatay pa sina Yawan at ang pa­ngalawang anino.

At paano na ang napakaraming bahay at mga taniman na sinunog ni Yawan sa pagtitig lamang sa mga ito?

At ang mga taong hindi man diretsahang pinatay ni Yawan ay naging apektado naman kaya nagpakamatay o nabaliw.

Tulad na lamang ng ama ni Arturo?

Tumigas ang mukha ng hepe. “Sige, hulihin n’yo na lang ang dalawang ‘yan!”

Tahimik lang si Yawan pero nasa sulok ng mga mata ang palatandaang galit.

Kaya lang kailangan niyang sundin ang hari ng kadiliman. Ang bilin nito. Ang misyon na ibinigay sa kanila ni Yawanaya.

Kaya tuloy lang siya sa pagbait-baitan.

“Kayo ho ang bahala. Kung ikukulong ninyo kami dahil sa mga kasalanan noon, karapatan ho ninyo ‘yan. Hindi ho kami papalag kahit arestuhin kami ngayon din.”

Kahit ang amo na ng mukha ni Yawan, ang mga pulis na inutusang umaresto dito ay urong-sulong.

“Eh, sa akin, hindi kayo takot?” Tanong ng pangalawang anino habang nakangisi.

“Huwag kang kumilos ng alanganin, pangalawang anino. Kundi tataniman ka namin ng napakaraming bala.”

“Please, huwag ninyo siyang saktan.” At palihim na pinandilatan ni Yawan ang pangalawang anino para sumakay na lang ito.

“Ano pa ang hinihintay ninyo? Hulihin n’yo na ang dalawang ‘yan sabi!”Dumagundong ang boses ng hepe.

“On the count of three ... one, two ... three!” At sinugod ng mga pulis sina Yawan at Yawanaya.

Nahawakan ang dalawa, walang resistance.

Hindi makapaniwala ang mga pulis sa kaamuan  nina Yawan at Yawanaya.

Maya-maya pa ay ikinulong na ang dalawa. Inilayo kay Alona.

Naninisi si Yawanaya. “Okay na sana, e. May mga naniwala naman na mababait na talaga tayo  kaya di ko makuha ang punto bakit magpahuli pa tayo?”

“Ang ibinigay na misyon ng hari ng kadiliman ang mahalaga! Kailangan lahat na mga tao sa lugar na ito ay lalapit ang loob sa atin!” 

- ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with