^

Para Malibang

Pangalawang Anino (281)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MARAMING pulis na sa presinto. Pinag-iisipan pa rin kung paano malapitan si Alona para mailipat sa isang selda na hindi open.

Para mas ligtas ang mga tao sa paligid.

At ang ulo ni Dakua ay hindi pa rin nila nari-retrieve.

Ang tiyan ni Alona ay napakalaki pa rin, halos katumbas ng isang buong malaking tao ang laman.

Hirap tumayo si Alona dahil sa bigat, hirap din lumakad.

Pero laging nakangisi.

“Hepe, ano na’ng gagawin natin?”

“Mag-request kayo ng pampatulog na baril.”

“Okay po.”

“Anong klaseng tao na ito? Ang bampira, dugo lang naman ang sinisipsip. Ang aswang, mga lamang-loob lang. Pero itong si Alona, halos buong tao kinain, e.”

“Siguro naman, hepe, inuunti-unti rin niya ang paglamon kay Dakua.”

“Oo nga. Pero mind boggling pa rin kung paano niya naubos.”

MARAMI pa rin ang hindi naaawa kina Yawan at Yawanaya.

“Niloloko lang tayo ng mga ‘yan. Kaya naman nilang saktan ang sarili nila para mapaniwala tayo na tumiwalag na sila sa demonyo nilang pangi­noon. Mabuti pa lumayo na tayo sa mga ‘yan baka gawin sa atin ang ginawa ng nanay nila.”

Natigilan sina Yawan. “Bakit, ano ang ginawa ni Inay?” Alarmadong tanong ni Yawan.

“Nagkakagulo sa presinto dahil kinain niya ang isang buong malaking kapwa preso. Itinira lang ay ulo.”

“Ano?”

“Hindi n’yo nga ba alam o nagtatanga-tangahan lang kayo?”

“Hindi namin alam. At ... at kami na ang humihingi ng patawad sa ginawa ni Inay. Tiyak hindi niya alam ‘yon. Baka hindi niya kagustuhan, pinilit lang ng hari ng demonyo. Kaya nga ayaw na namin sa sinamba naming ito dahil hindi na namin masikmura ang pinagagawa niya sa amin.”

“Kung talagang bumait na kayo, tulungan ninyo ang mga pulis para mailagay sa isang lugar ang inyong ina na ligtas ang mga tao. Hayun, hindi malaman ng mga pulis kung ano ang gagawin kay Alona.”

NASA presinto na sina Yawan at Yawanaya.

Humalakhak si Alona nang nakita ang anak at ang pangalawang anino. “HARHARHARHARRRR!”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with