^

Para Malibang

Pangalawang Anino(276)

Gilda Olividado - Pang-masa

SINDAK na sindak na napasigaw sabay ang bantay na pulis at si Naomi.

Halos ikababaliw nila ang kanilang nakita.

Ulo ni Dakua.

“AAAAAAHHHHHH!”

“EEEEEEEHHHHH!”

Kaya nagising lahat na preso sa isang selda.

“Ano’ng nangyari?”

“Bakit kayo parang nababaliw diyan, Naomi?”

Itinuro ni Naomi ang nakakayanig na bagay. “Si Dakua! Ulo na lang ang natira! Kinain siya ni Alona!”

“Kaya pala ang laki-laki ng kanyang tiyan, parang isang tao na rin na malaki ang laman! Diyos ko!” Napa-sign of the cross ang bantay na pulis.

Napasigaw na rin ang ibang preso. Kagulo. Diring-diri. Sindak na sindak. At lalong natakot kay Alona.

“Sabi na nga bang nakakatakot ‘yang Alonang ‘yan! Ang yabang kasi ni Dakua, hayan, inubos maliban sa ulo!”

“Pero paano niya nagawa ‘yon?”

“Oo nga! Kaya ba ng kanyang mga ngipin ang katawan ng tao? Pati buto kinain? Saka maskulado ‘yung si Dakua, hindi malambot ang laman no’n!”

Ngumisi ng pagkalapad-lapad si Alona.

Agad napaurong ang lahat.

Napasigaw na naman ang iba.

Kita nilang ang mga ngipin ni Alona lahat ay matulis na. Parang ngipin ng mga baboy-ramo. Tigre. Liyon.

Baka nga mas mahahaba at matatalas pa ang mga ngipin ni Alona ngayon.

“Paanong nagkaganyan ang kanyang mga ngipin? Kahapon naman hindi pa!”

“Hindi ‘yan imposible! Hindi  ba nanay ‘yan ng demonya? Natural, kaya siyang gawing bampira, aswang o kumbinasyong bampira aswang para makapatay ng maraming tao.”

“Patayin mo na, Officer. Baka makawala pa ‘yan, lagot tayo!”

“Hindi puwede! Bawal basta pumatay kahit pa isang criminal. Hindi naman lumalaban si Alona, ako pa ang makukulong!”

“Hindi na dapat buhayin ang ganyang klase! Ni hindi nga nagsisisi, o. Nakangisi pa. At masama ang tingin sa atin. Para bang takam na takam pa.” ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with