Sintomas ng asthma
Iba’t iba ang sintomas ng asthma. Depende rin ito sa klase at sa taong inaatake nito. Minsan ay hindi lahat ng sintomas ay lumalabas. Minsan naman ay mild at minsan grabe.
Narito ang ilang early signs ng asthma:
1. Madalas na pag-ubo na kadalasan ay umaatake sa gabi.
2. Paghahabol ng hininga at mabilis na hinihingal.
3. Hinang-hinang kapag nag-eehersisyo o nagpupunta sa gym.
4. Pag-ubo at pagsipol ng hininga pagkatapos mag-ehersisyo.
5. Nakararanas ng laging pagod, madaling mainis at pagiging moody.
6. Nakararanas ng senyales ng sipon o allergies tulad ng pagbahing, runny nose, ubo, baradong ilong, sore throat, at pananakit ng ulo.
7. Hirap sa pagtulog sa gabi.
- Latest