Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Core Personality ng Anak

Ang mga magulang ang unang source at impluwensiya ng kaalaman sa buhay ng mga anak. Ang brain ng baby ay parang sisidlan gaya ng empty shell na lalagyan pa lamang ng mga dapat nitong matutunan.

Ang learning experience ng bata ay puwedeng positibo o nega­tibo na naaapektuhan ang development ng buong pagkatao ng anak.

Paniwala ng ilang psychologist na ang core personality ng anak ay buo na sa  edad nitong anim na taon. Ang character ng anak ay nahuhubog ng  50% sa edad  na 3 years old.  At 75% pagtungtong nito ng limang taon.

Critical period sa  anak ang mga panahon sa unang limang taon kung saan naituturo na sa bata ang tamang attitude at  puwede pang baliin ang baluktot nitong  pag-uugali. Ipinapayo sa mga magulang na ingatan na huwag sirain ang core personality ng mga anak. Upang lumaki itong masipag, masiyahin, honest, confident, lovable, at hindi rebelde.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: