Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Makeup Artist Hinahangaan sa Pagiging Cosplayer

Ang mga cosplayer (mga taong nagsusuot ng costume para mag-represent ng isang character) ay tulad din ng ibang artists na masusing pinag-aaralan at ginugugulan ang kanilang mga obra. Ang kaibahan lang sa mga cosplayer, ang kanilang art ay kumbaga, ‘sinusuot’ nila sa pamamagitan ng pag-aayos at paglalagay ng make up sa sarili na talaga namang kabibiliban ninuman.

Isang halimbawa nito ay ang self-taught SPX makeup artist/Architecture student na si Sosenka na nagkaroon ng interest sa cosplay. Nagsimula siya noong 2014 sa pagko-cosplay bilang hobby at eventually ay na in-love siya rito at gumaling nang gumaling. Kaya niyang gawin ang kakaibang hitsura sa loob lamang ng 30 minuto.

Ilan sa mga ginaya niya na nag-trending sa social media ay sina Mad Hatter ng Alice In Wonder Land, Hermiona Granger ng Harry Potter,  Jack Spar­row ng Pirates of the Caribbean at Majin Buu ng Dragon Ball Z.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: