^

Para Malibang

Pangalawang Anino (270)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SINIKAP nina Angela at Ariel na makapagpaliwanag nang maayos sa mga relihiyosang nagtatanong.

“Hindi man natin natitiyak kung ano talaga ang balak ng Diyos, magtiwala pa rin ho tayo.”

“Tama ho si Angela. Kahit naman ho nagkakaganyan si Nanette, pinuprotektahan pa rin niya tayo. Noong sumugod sina Yawan at Yawanaya dito sa simbahan, binato namin sila ng mga pira-pirasong bahagi ni Nanette, nasaktan ‘yung dalawa, tumakas.”

“Kunsabagay. Nagtanong lang naman kami ...”

“Hindi kaya may magnanakaw sa bangang ito?”

“Sa gabi ho, alas-otso, hindi na nagpapapasok ng tao ang simbahan. Sinasara na. Para ligtas ang banga.”

“At dito ho natutulog si Ariel para magbantay.”

“Bakit kaya iba ka kina Yawan at Yawanaya? Pero kababalaghan ka rin, Angela ... kasi isa ka ring anino na kumikilos na parang tao, nagsasalita.”

“At nagpapasalamat nga ho ako at hindi kayo natatakot sa akin. Kahit anino akong kakaiba.”

“Parang nasasanay na rin ang mga tao sa lugar na ito ng kababalaghan. May nakikitang kabanalan, may nakikita ring kademonyohan. Ang dalawang anino ni Yawan, isa ay masama isa ay mabuti. Mga apoy na nagmumula sa dalawang mata ng isang taong ang kasamaan ay walang katulad. Kung wala lang dito ang kabuhayan namin ... umalis na kami sa lugar na ito.”

Napakalungkot ng narinig nila. Isang tao lang ang narinig nagsalita nang ganito pero alam nila na napakarami na ganito na ang iniisip.

Takasan na lang ang kanilang lugar na dati ay tahimik, masaya,  masagana.

Napayuko na lamang sina Angela at Ariel.

SINABI nina Angela at Ariel ang mga narinig nila.

“Parang nawawalan na ng pag-asa ang mga tao, Father. Kunsabagay, may katuwiran sila. Tulad ko, dati isa akong ordinaryong anino ni Yawan pero naging kakaiba na rin. Nagsasalita na, nakakakita, may sariling opinyon ... at umiibig. Pati nga ako ay nakakapagdulot sa kanila ng confusion, takot ... kasi hindi naman normal na may mga aninong para nang tao!”

“Angela, hindi naman ito tungkol sa iyo. Kakaiba ka man, anino ka man na nagiging tao ... ang importante ay mabuti ka. Huwag kang bibitiw sa ating dalawa, Angela. Pati sa ating paniniwala sa kabutihan.” Matatag na nagsalita si Ariel. Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with