^

Para Malibang

Toxic lady

MRYOSO - Pang-masa

Ang pagkamatay ng isang ginang sa Riverside General Hospital, gabi ng February 1994 ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas. Isinugod si Gloria Ramirez ng may sintomas ng advanced cervical cancer. Pero may kakaiba sa kanyang katawan dahil parang kumikinang ang balat nito dahil sa mamantikang substance na lumabas sa kanyang katawan. May fruity, garlic-odor din na maaamoy sa pasyente. Nang kunin ang kanyang dugo ay halos kasing amoy ng amonia ang nasa tube.

Simula nito ay isa-isa nang hinimatay ang mga medical professional na nag-asikaso kay Gloria. U­nang hinimatay ang nurse na kumuha sa kanya ng dugo na nagngangalang Susan Kane. Sumunod naman ay ang medical resident na si Julie Gorchhynski, at ang pinakahuli ay ang respiratory therapist na si Maureen Welch. Pagkatapos ng kaganapang ito ay inialis ang mga tao sa Emergency Room.

Namatay din si Gloria matapos ang 45 minuto na panggagamot sa kanya. Pero isang malaking palaisipan ang nangyari dahil umabot sa 23 ang nagkasakit at 5 rito ay naospital pa. Ilan sa mga sintomas ang pagkawala sa ulirat, pagkaubos ng hininga, at muscle spasm kahit pa normal ang blood test ng mga apektado.

Sinasabing may lihim na drug laboratory ang nasabing ospital at gumagawa ng chemical “precursors” na maaaring gawing meth. Isang teyorya ay inilalagay nila ang mga kemikal sa IV bags para ibenta sa black market. Marahil umano ay aksidenteng naikabit ang IV kay Gloria na siyang ikinamatay ng pasyente.

Ang kahina-hinala, nawawala ang karayom na ginamit na pang-inject ng IV kay Gloria at nawawala maging ang puso nito. Hindi rin agad nai-release ang kanyang bangkay hanggang sa naa­agnas na ito.

May itinatago nga kaya ang nasabing ospital? Kayo na ang humusga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with