^

Para Malibang

Anak na May Kanser Ayaw sa Nanay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hindi ko maintindihan ang anak ko na mas gusto pang kasama ang ibang tao kaysa sa akin. Oo nga may kasalanan ako sa kanya dahil isa akong dalagang ina nang ipinanganak siya, pero ginawa ko na ang lahat para maging ina at abutin siya. Pero balewala sa anak ko kahit may kanser siya sa breast, pero mas gusto pang kasama ang ibang tao kaysa sa akin. Masakit sa kalooban ko na ayaw paalaga sa akin ang anak ko. Ano ba ang gagawin ko? – Cynthia

Dear Cynthia,

Kausapin mo ng masinsinan ang anak mo. Huwag mo nang dagdagan ang kanyang paghihirap, kundi lawakan ang iyong pag-iisip na maaaring dala lamang ng kanyang kanser. Huwag kang sumuko na ipadama sa iyong anak ang iyong pagmamahal at kalinga kahit ayaw niya. Dahil hindi mo alam kung gagaling pa siya o lalala pa ang kanyang sitwasyon. Huwag sayangin ang oras sa iyong pagrereklamo, kundi ipadama ang pagmamahal sa anak mong may kanser.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with