Ano’ng mas masarap kayakap, payat o mataba?
Mas Masarap Kayakap ang Sexy o Chubby? Basta ako love yakapin ng mister ko kahit chabachingching ako. Double purpose; may unan na, may salbabida pa ang hubby ko. - Madonna, Pasig
Naku hindi ako puwedeng tumaba baka maghanap ang dyowa ko ng ibang kayakap. -Maricel, Santolan
Hala bakit kailangang may label kung payat o mataba. Eh ‘ di ba kapag mahal mo ang isang tao hindi nasusukat sa laki o liit ng katawan para yakapin! -Joy, Bacolod
Oi huwag ninyo isnabin ang katabaan ko. Mas malaman, mas masarap dahil busog na busog ang asawa ko sa siksik kong katawan. - Marie, Sampaloc
Hindi rin noh porket sexy, okey ka na. Ayaw ng nobyo ko. Dahil sobrang payat daw ako. Natutusok daw siya sa mga buto ko. Mas gusto pa rin niya yung may laman. - Josie, Leyte
- Latest