Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Madamot na Misis

Dear Vanezza,

Isa akong seaman na nakapangasawa ng isang Ilocana na magaling humawak ng pera. Pero ang nakalulungkot ay pati pamilya ko ay hinihigpitan niya sa pera. Ang tingin tuloy ng mga kapatid ko ay madamot ang misis ko at maging ako sa kanila. Kinakausap ko ang misis ko na ang katuwiran ay baka mamihasa ang mga kapatid ko. Pati ang magulang ko ay lihim kong inaabutan para hindi namin pag-awayan ng misis ko. Ano ba ang gagawin ko? – Roger

Dear Roger,

Pag-usapan ninyo ni misis na ihiwalay ang budget para sa magulang pati na rin ang gusto mong i-share sa mga kapatid mo. Pero ang mahalaga ay unahin ang kailangang bayarin ng iyong pamilya at pati ang savings ninyong mag-asawa. Para hindi mag-alala si misis na maubos ang iyong pera.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: