Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Offensive na Tweets

Importante na habang maaga na ipaintindi na agad sa mga bata ang mga posibleng mangyari kapag nag-share sa Internet. Kapag nag-post sa social media, ito ay permanente na at automatic na kumakalat agad sa publiko.

Kahit sa edad na 13 years na maaaring hindi pa ito isyu sa kanila, pero kailangan pa rin pag-isipan ang long term na epekto. Paano na kapag nag-apply sila sa college? Kung mag-apply sila ng trabaho?

Lahat ng college admission ngayon ay naka-link na sa social media na puwede nang ma-view ang profile ng kahit sino. Marami nang aplikante ang na-reject dahil sa information na nalaman sa online.

Huwag sayangin na ang pangarap na kurso sa college ay maaaring mabulilyaso dahil lang sa offensive na tweets o posting na na-detect ng admission officers sa online.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: