Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mahinang Daloy ng Tubig sa Inidoro

Isa pang nagiging problema sa banyo ang mahinang daloy ng tubig kapag nagpa-flush sa inidoro. Minsan ang naiisip natin ay dahil lamang ito sa mahinang pressure kaya mahina rin ang daloy ng tubig.

Pero siyamnapung porsiyento na ang dahilan ng mahinang daloy ng tubig ay ang mga butas sa ilalim ng rim ng inidoro. Nagbabara kasi ito dahil sa mga sediment na nabubuo kaya humihina ang daloy ng tubig.

Napakadaling solusyonan lang ng marumi at baradong butas sa inidoro. Gumamit lang ng metal brush at kuskusin ang ilalim nito. Kuskusan din ito ng baking powder at banlawan ng mainit na tubig para matanggal ang bara. Ulitin lamang ang proseso hanggang sa maging maayos na ulit ang daloy ng tubig.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: