Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Anak Nagpalit ng Kurso Dahil sa Babae

Dear Vanezza,

Bata pa lang ay pangarap na ng anak kong lalaki na maging mechanical engineer tulad ng tatay niya. Pero biglang nagpalit ng kursong med tech ang anak ko dahil lang sa isang babae na gustung-gusto niya para makasama lagi sa school. Hindi pa kasi puwedeng ligawan ang kinahihiba­ngan niyang girl kaya sa eskuwelahan lang sila puwedeng magkita at mag-usap. Paano ba magagabayan ang anak ko? – Nanay Carol

Dear Nanay Carol,

Maaaring pakausap mo ang iyong anak sa  tatay niya para magabayan sa kursong gustong tapusin nito sa kolehiyo. Hayaan mo silang mag-usap ng lalaki sa lalaki para maintindihan ng mister mo ang pinagdaraanan ng iyong anak. At para mabigyan siya ng tamang payo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: