Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Solusyon sa Osteoarthritis

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home reme­dy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

1. Mag-ehersisyo para mabawasan ang taba sa katawan na nagbibigay ng bigat at puwersa sa mga joints. Sa ganitong paraan maiiwasan ang mas madalas na pagsakit ng joints.

2. Mag-stretching para tumaas ang flexibility at range ng motion. Nakatutulong din itong ma-lubricate ang mga joint. Maaaring um-attend ng Yoga, Pilates, at Tai Chi classes.

3. Ang strength training ay isang magandang solusyon din para maprotektahan ang joints sa injury. Maaaring magbuhat ng weights, mag-push-ups o sit-ups.

4. Isa pang paraan ay ang pag-e-aerobics. Para naman lumakas ang stamina at mabawasan ang pagod. Ilan sa halimbawa ang walking o running.

5. Iwasan ang matatabang pagkain para maiwasan ang pagtaba at pagbigat ng timbang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

6.  Kumain ng mga pagkain na maganda sa joints tulad ng isda, nuts, prutas at gulay, beans, whole grains, at olive oil.

7. Uminom ng herbs and supplements na maganda sa arthritis tulad ng capsaicin, flaxseed, ginger, ginkgo, at turmeric.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: