Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Magiliw na Serbisyo

Hindi masama ang maghangad na palakihin ang negosyo, pero maging humble muna na mag-isip na  magkaroon  ng vision na pagandahin ang serbis­yo sa mga customers. 

Hindi para sa sariling kapakanan lamang kundi ang parehong paglago ng negosyante at satisfaction ng iyong mamimili. Pasasaan ba’t sa tamang motibo ay aani rin ng tagumpay sa magandang hangarin ng iyong pagnenegosyo.

Siguraduhin na enjoy ang mga empleyado na pumasok sa trabaho. Feeling nila ang opisina o kompanya ang kanilang pangalawang pamilya. Lalo na ang custo­mers na dapat ay laging at home sa mabilis, magiliw, at maayos agad na pagsisilbi sa kanilang pangangailangan o orders sa pagtangkilik sa iyong negosyo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: