Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Asong Pipi’t Bingi, Na-rescue

Pauwi na si Kari Falla kasama ng boyfriend nang madaanan nila sa Oviedo, Florida ang isang abandonadonga aso. Sobrang kapal na ng balahibo ng nasabihing aso at tantiya nila base na rin sa mga tao na malapit sa lugar, apat na taon nang palabuy-laboy sa lansangan ang kawawang aso.

Dahil dito, nagpasya si Kari na dalhin ang aso sa kanyang shop dahil isa pala siyang dog groomer o ‘yung tagagupit sa mga aso. Ayon pa kay Kari, kailangang gupitan ang aso dahil nagkakasakit ito sa mahaba nitong balahibong buhul-buhol na nagdudulot ng ‘di magandang daloy ng dugo.

Pagkatapos niya itong dalhin sa kanyang grooming salon ay dinala naman niya ito sa beterinaryo para malaman kung may sakit ba ito. Doon nila nadiskub­re na pipi at bingi rin pala ang aso na pinangalanan nilang Lucky.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: