Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Emotional Intelligence

Ang IQ ay intellectual quotient. Kapag sinabing IQ ay pinag-uusapan ang intellectual na kapasidad kung gaano ka smart ang isang tao. Ito ay nakatutulong ma-predict kung gaano kagaling academically ang isang  indibidwal.

Maaaring ang ibang classmate ay hindi na kaila­ngang mag-aral kaysa sa iyo. Ang IQ ay isang paraan upang masukat ang abilities ng tao, pero mayroon pang ibang uri ng intelligence gaya ng spatial intelligence na kakayahan kung paano mag-iisip sa 3D. May musical intelligence rin para ma-recognize ang rhythm, cadence, at tono. Athletic, artistic, at mechanical abilities na iba pang uri ng intelligence.

Ang pinakamahalagang intelligence ay ang emotional intelligence na minsan ay tinatawag na EQ o EI. Katulad ng high IQ ay maaaring ma-predict ang top test scores sa EQ para ma-predict ang success sa social at emotional na sitwasyon.

Ang EQ ay nakatutulong para mabuo ang malakas na relasyon upang magkaroon ng magandang desisyon sa mahirap na sitwasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: