Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Manoy Tumatayo pa rin Kahit Patay na!

Grabe na ‘to!

Alam n’yo ba na ma­aari pa ring tumayo ang “manoy” (erection) ng lala­king namatay na?

Tinatawag itong death erection at minsan ay tinatawag ding “angel lust”.

Nangyayari ito kapag ang isang lalaki ay namatay nang patayo at nanatili sa ganitong posisyon.

Habang buhay ang isang tao, napapanati­ling umiikot ang daloy ng dugo sa katawan sa pamamagitan ng pag-pump ng puso.

Kapag namatay ang isang tao, tanging ang gravity at force na nakaa­apekto sa dugo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kung patay na ang isang tao at nanatiling nakatayo ang posisyon nito, maiipon ang dugo sa lo­west point ng katawan.

Maiipon ang dugo sa legs at paa at dahil sa pressure ay aakyat ang dugo hanggang sa baywang kasama na ang maselang bahagi ng katawan.

At dahil ang “manoy” ng mga kalalakihan ay mayroong erectile tissues, mapupuno ito ng dugo at lalaki.

Mananatiling naka­tayo si “manoy” hang­ga’t hindi nagbabago ang posisyon ng bangkay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: