Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (261)

NAGALIT si Father. “Minsan na nilang nilapastangan ang simbahang ito, pinatay nila ang mga inosente sa mismong tahanan ng Diyos. Kaya lalaban na ako kahit pa ikamamatay ko!”

Nataranta sina Angela at Arturo

“Father, pag-isipan ho muna natin kung paano sila lalabanan na hindi natin kailangang mamatay. Sa totoo lang, tayo ang magli-lead sa mga tao kapag si Nanette ay hindi pa rin magigising.”

Nagpakahinahon nga ang pari. Pero handa pa ring lumaban.

Ang mga tao sa simbahan ay karipasan na ng takbo.

Sinalubong nina Father, Angel at Ariel sina Yawan at Yawanaya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ano ang kailangan ninyong dalawa?”

“Kukunin namin ang mga durug-durog na piraso ni Nanette.”

“Bakit?”

“Kailangan bang itanong ‘yan? Gusto naming matahimik si Nanette ... sa kanyang kamatayan.”

“Kapatid mo rin siya, Yawan!” Mariing sagot ni Father.

“Kapatid na ahas! Kapatid na mang-aagaw kaya dapat mamatay nang tuluyan.”

Iniharang ng pari ang katawan. “Hindi ka makakalusot sa akin!”

“Ows? Hindi nga ...” Ngising-ngisi si Yawan pati na rin si Yawanaya.

Bigla na lang parang may umitsa kay Yawan sa itaas, sa may kisame ng napakagandang simbahan.

“EEEEEHHHHHH!” Saka ito bumagsak.

“Yawan, tumama ang likod mo, hindi ba nadurog?” Tanong  ni Yawanaya.

“Hindi pero ako naman ang dudurog kina Angela at Ariel. Sila ang gagantihan ko.”

Umiilaw ang banga ng mga pira-pirasong Nanette.

Nakita iyon nina Father at Yawan at Yawanaya.

Nakita rin nina Angela at Ariel. Walang takot na tumakbo si Angela sa banga. “Nanette? Ano’ng maitutulong namin ni Ariel. Hindi kami papayag na mananalo ang kasamaan.”

Parang may bumulong kay Angela.

“Kumuha kayo ng ilang piraso sa aking durug-durog na katawan. At ibato ninyo sa kanila. Pansamantalang ito ang panlaban ninyo.”

- ITUTULOY

 

         

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: