Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Worthy na Investment

Nakalulungkot na marami sa mag-asawa na pagkatapos ng marriage ceremony ay tapos na rin ang adventure. Dahil nagsimula na ang komplikasyon ng awayan blues, problema, at napakaraming isyu.

Tandaan na ang marriage ang pinakaimportanteng relasyon na paglaanan ng  investment. Dapat bigyan ng oras upang mabalanse na gawin itong healthy na pang­habang buhay na commitment ng dalawang tao na dumadaan sa hindi mabilang na hamon ng buhay.  Habang nagtatagal ay dapat magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa positive at destructive na elemento na hinaharap ng mag-asawa.

Kailangan nina mister at misis na matutunan ang paggamit ng roadmap at compass para sa tamang direksyon sa kanilang pagsasama. Ang tamang tools nina hubby at wifey  ay makatutulong upang manatili sa isa’t isa.

Umaasang maging matagumpay sa buhay mag-asawa na hindi madali pero worthy na isalba kahit gaano man ito kahirap.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: