Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (260)

NAKANGISI sina Yawan at Yawanaya.

“Ang una nating sunugin ay ang pamilya ni Nanette.”

“Ako naman ang gusto kong parusahan ay si Angela at si Ariel. Pareho palang A ang first letter ng mga pangalan nila, ang corny!”

“Bakit di natin sapilitang kunin sina Angela at isama sa mga gagawin nating abo?”

“Sa simbahan sila nakatira, Yawan. Halos hindi na lumalabas. Makukuha na ba natin sila sa simbahan?”

“Sigurado na ‘yan.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Bakit di muna natin puntahan si Nanette at tapusin na siya? Kaya mong makita kung nasaan siya ngayon, hindi ba?”

Kumumpas sa ere si Yawan at nakita nila ni Yawanaya ang banga na kinalalagyan ng mga pira-pirasong bato na imahe ni Nanette.

“Nadurog si Nanette ... at diyan ngayon siya itinatago ng kanyang pamilya.”

“Kunin natin ‘yan para madala natin saan man natin gusto ang imahe ng banal-banalan na ‘yan.”

“Pasisiritan ko siya ng mga apoy na kakaiba ang init para matunaw siya!”

“Ano pa’ng hinihintay natin, pasko?”

“Tena!”

MALINIS na ang simbahan, wala nang bahid ng dugo ng mga taong pinatay ni Alona.

May mga kamag-anak na ayaw umalis, walang katapusang dasal pa rin sa mahal nila sa buhay.

Lagi silang nilalapitan ng pari.

At dinudulutan naman ng pagkain nina Angela at Ariel.

Pero walang kaalam-alam ang lahat na paparating na sina Yawan at Yawanaya.

Nang nasa entrance na sila ng simbahan, ikinumpas lang ni Yawan ang kanyang mga kamay at bumukas na ang higanteng pinto.

Natigilan sina Angela at Ariel na nagdi-distribute ng sandwiches at kape sa mga tao.

“Sina Yawan at Yawanaya, Ariel! Nakakatapak na sila sa simbahan.”

“Akala ko pa naman kaya nga naging bato si Nanette ay para hindi na makalapit sa atin ang dalawang ‘yan!”

Napabulong na lang si Angela, takot na takot. Itutuloy

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: