Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nabubulagan ang Ina

Dear Vanezza,

Namatay na po ang aking tatay. Ngayon ay may ka-live-in si nanay, na siyang nag-uubos ng kanyang pera, lalo’t pensyonada ang aking inay mula kay tatay. Pero bulag si nanay na hindi nakikita ang pagsasamantala sa kanya ng batugan niyang nobyo na ayaw maghanap ng trabaho. Paano ko ba makukumbinsi si nanay na pera lang habol sa kanya ng lalaki?- Lorna

Dear Lorna,

Nabubulagan ang nanay mo dahil nangungulilang may kasama sa buhay. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa ibang kapatid ng iyong nanay na siyang kakausap sa iyong magulang. Baka magising sa katotohanan ang iyong ina.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: