Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Protektor ng mga Bata

Ang bata ay vulnerable na hindi ganun ka-powerful para protektahan ang sarili mula sa ilang mas malalakas na adult na mapagsamantala. Majority ng sexual abuse ay halos 93% sa kamay ng nakatatanda na kilala rin ng mga bata. Kapag ang anak ay naabuso ng mga adult, nalilito ang bata; na ito dapat ang kanilang protector, nagbabantay, at pinagkakatiwalaan. Sila rin dapat ang nagtuturo at sinusunod ng bata. Pero expert ang mga child abusers na magaling magmanipula emotionally sa bata para makuha ang tiwala at saka makapag-take advantage sa walang muwang na nilalang.

Magkaroon dapat ng malinaw na kaisipan, na ang mga nakatatanda ang may responsibilidad na protektahan ang bata. Kailangang manatiling panga­tawanan ito ng magulang upang hindi mapahamak ang mga anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: