Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang mga Kakaibang Obra ni Veijo Rönkkönen

Si Veijo Rönkkönen ay isang Finnish artist at sculptor na ipinanganak noong 1944 at sumakabilang buhay naman noong 2010.

Nagsimula ang pagkahilig ni Veijo sa pag-ukit noong siya ay magtrabaho sa paper factory. Natapos niya ang kanyang unang iskultura noong 1961 at simula noon ay hindi na siya tumigil sa pag-ukit kung saan 450 na istatwa ang kanyang nalikha. Iba-iba ang itsura ng mga statue at karamihan sa mga ito ay may tunay na ngipin ng tao.

Ang mga statue ay makikita sa kanyang ma­laking hardin kung saan siya tumira kasama ang mga magulang.

Kahit namatay na ang mga magulang ay hindi umalis si Veijo sa nasabing bahay at binuksan niya ito para makita ng mga tao ang kanyang mga obra.

Ganun pa man, ni minsan ay hindi lumabas ng bahay si Veijo para harapin ang mga bisitang umiikot sa kanyang hardin dahil likas siyang mahiyain.

Nag-iwan lamang siya ng guestbook para doon ilista ng mga bisita ang kanilang pangalan, pirma, at mensahe para kay Veijo. Marami ang hindi nakakaalam sa kanyang itsura dahil nga ‘di ito palalabas ng bahay at mahiyain.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Noong 2007 o tatlong taon bago namatay si Veijo, nanalo siya ng Finlandia prize (na parang National Artist award dito sa Pilipinas) pero hindi sinipot ni Veijo ang se­remonya dahil ayaw ­niyang lumabas ng bahay. Ang award ay tinanggap ng kanyang kapatid para sa kanya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: