Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gawing Exotic ang Lasa ng Pagkain

Burp Tips

Minsan may mga nalalasahan tayong exotic sa mga restaurant pero ang mga ingredients ay normal namang nabibili sa mga palengke o supermarket.

May tip kami para mag­lasang exotic ang simpleng gulay sa pamamagitan lang ng isang paraan. Ito’y ang sandaling pag-ihaw ng mga gulay bago ito isahog sa lulutuin. Pero dapat ay pahiran ito ng manipis na layer ng olive oil na siyang magbibigay ng dagdag na lasa.

Magugulat kayo na ang mga putaheng tulad ng ginisa, stew, o salad ay mag-iiba ang lasa sa pamamagitan ng pag-ihaw ng gulay na may kaun­ting olive oil.

Subukan n’yo rin ito na pangsahog sa sandwich at siguradong level-up na ang inyong lutuin.

Burp!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: