Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagsinga sa Japan, ‘Di Dapat Bulgar

Maraming bansa sa Asya tulad ng China, Korea, at Japan na isang senyales ng pagkagusto o nasarapan ka sa lutuin kung maingay ang iyong pagkain. Tulad na lamang sa Japan, mas masaya ang nagluto o chef kapag naririnig niyang nag-i-slurp ang kumakain ng ginawa niyang noodles. Kabaliktaran naman ito ng sa Western countries at sinasabing walang modo ang gumagawa nito. Sakali namang mapapadpad sa mga bansa sa Asya ‘wag mahihiyang kumain nang maingay.

Sa Japan pa rin, iba naman ang kaso ng pagsinga. Nakaka-offend sa kanila ang pagsinga nang mai­ngay at pagsinga sa publiko. Ginagawa nila ito sa tagong lugar o kaya naman ay kung nasa pampublikong lugar ay iniiwasan nilang mag-ingay. Maaari rin namang sa likuran ng mga kasamahan gawin ang “business” para hindi makasira ng araw ng iba.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: