Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Underwater Restaurant sa Norway Kasya ang 300 Katao

Grabe na ‘to!

Kung mahilig kayo sa tubig at underwater adventure at kalikasan, siguradong mag-i-enjoy kayo sa isang underwater restaurant na itinatayo sa southern Norway.

Nagsimula na nga ang construction ng 100-seat restaurant na tinawag na Under, na magsisilbing ding marine research center. Idinisenyo ito ng kumpanyang Snøhetta ang tatlong palapag na structure na may 36 talampakang lapad na panoramic window kung saan maaaring ma-experince ng mga kakain ang “journey to the sea in southern Norway”.

Mas eco-friendly rin ito dahil bukod sa hindi nakakulong ang mga isda sa isang malaking aquarium tulad ng nasa ibang “aqua resto,” malaya ang mga lamang-dagat na makalangoy sa kanilang normal na tahanan.

Ayon pa sa website ng Under, “Our goal is to show off the Norwegian coastal ecosystem, and in doing so, creating a new niche for underwater tourism. Our visitors will be given a unique opportunity to experience the underwater world in the area – and admire marine life in ways they otherwise may never see.”

Inaasahang magtatapos ang pagtayo ng Underwater sa 2019.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: