^

Para Malibang

Pangalawang Anino(245)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANG makitang wala na sina Yawan at Yawanaya, may nabuong hinala si Nanette.

“Lumakas sila uli, nagkamalay, dahil sa maraming dumanak na dugo na gawa ng ina ni Yawan. Natuwa ang haring demonyo sa karahasan na iyon kaya nagbigay ng gantimpala. Pinalakas niya uli ang kanyang mga panguna­hing alagad. Tuwing may nagagawang napakatin­ding kasamaan, nagbibigay ng gantimpala ang haring demonyo kina Yawan.” Nasabi ni Nanette sa sarili.

Wala siyang ideya kung saan nagpunta ang dalawa pero alam niyang kaila­ngan niyang ma­hanap ang mga ito.

SINA Yawan at Yawanaya ay may bago na namang kakayahan. Nakarating sila sa bunganga ng Itom.

Nang mapasok nila ang teritoryo ng kasamaan, lalo pa silang lumakas.

“Yawan, tinulungan na naman tayo ng ating hari ... “

“Pinabayaan niya tayo tapos bigla tayong tinulungan. Bakit kaya? Anong nangyari at parang pinaboran tayo?”

“Dahil ang inyong ina ay nakagawa ng krimen na sobrang ikinatuwa ng panginoon. Na kung tutuusin, unang krimen niya  ito pero na-impress sa kanya ang ating hari.” Biglang lumitaw si Tagapag-alaga.

“Tagapag-alaga, ano’ng ginawa ni Inay?”

“Nanaksak, daming napatay, dumanak ang dugo sa loob ng simbahan. At iyon ang gustung-gusto ng ating panginoon . Na nalalapastangan nang husto ang bahay ng Diyos.”

“Nagawa ng Inay ko ‘yon? Ang tapang niya!”

“Sa galit. Dahil akala niya, mamamatay na kayo. Nangingisay na kayo, e. Habang nagpi-prayer rally sina Nanette sa loob ng simbahan.”

“Hero pala ang Inay mo, Nanette! “

“Buti na lang. Kung hindi nagwala ang Inay de baka nga patay na tayo ngayon. Pero, Tagapag-alaga, gusto kong maghihinakit sa hari ng dilim, e.”

“At bakit naman?”

“Dahil akala ko ba paborito niya kami ni Yawanaya? Pero bakit pa kailangang may gagawin si Inay bago kami iniligtas ng hari ng dilim?”

“Natural. Hindi siya ang haring maawain, basta tutulong nang walang kapalit. Ganoon ang Diyos ng mga mababait at madasalin. Pero ang hari natin, nagbibigay ng gantimpala sa mga taong nagbibigay sa kanya ng kasiyahan.”

“Pero paano ang Inay ko? Huhulihin siya ng mga pulis, ikukulong!”

“Eh de sugurin ninyo ang presinto at patayin ang lahat na pulis doon!”  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with