^

Para Malibang

Pangalawang Anino (244)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

UMALIS si Arturo, hindi nakialam kahit sinasaktan si Alona. Tinapakan lamang ang mga patuyo nang dugo ng mga taong sinaksak ni Alona.

Napaiyak si Nanette sa katigasan ni Arturo.

Siya pa ang tumulong kay Alona.

“Tama na po. Dadalhin na lang natin siya sa pulisya. Ang batas ang magpaparusa sa kanya. “

“Dapat patayin na ‘yang babaing ‘yan. Ikulong man ‘yan, hindi na niya maibabalik ang mga mahal sa buhay naming namatay!”

“Diretso ho sa langit ang lahat na pinatay ni Aling Alona. Tinitiyak ko sa inyo ‘yan. Ako na ho ang magdadala sa kanya sa presinto. Tulung-tulong na lang po kayo dito, kung may mga buhay pa, dalhin na po ninyo sa kalapit na ospital. Huwag po ninyong masyadong pakialaman ang lugar ng krimen dahil tiyak na kailangan itong pag-aralan ng mga pulis.”

“Sige, kami na ang bahala dito. Pero basta kung kami lang ang masusunod, patay na ang babaing ‘yan.”

Magalang na hinawakan ni Nanette ang nabugbog nang husto na si Alona. “Halinakayo.”

“Ayoko! Pabayaan mo ako!”

“Inililigtas ko lang po ang buhay ninyo.”

“Malay ko kung ano ang gagawin mo sa akin habang papunta tayo sa mga pulis?”

“Alam ninyong hindi ko gagawin ‘yon. Hindi ho ako tulad nina ...”

“Nina Yawan at Yawana? Bakit hindi mo ituloy pagbanggit ng pangalan nila? Nahihiya ka pa?”

“Naaawa, Aling Alona. Ngayon pa lamang ay pag-aari na ang mga kaluluwa nila ng mga nasa apoy. Bilang ina, dapat alam ninyo ito. At sikaping mailigtas sila.”

“Maganda ang buhay namin habang nasa side kami ng kadiliman! Hindi namin gagawin ang lumipat sa side ninyo! Napakaboring ninyo! Mapagkunwari!”

“Walang pagkukunwari sa panig ng Diyos, Aling Alona. Lahat ay totoo. Halina kayo. Kapag iniwan ko kayo dito ay itutuloy nila ang pananakit sa inyo. Iyon ba ang gusto ninyo?”

Paismid na sumama si Alona kay Nanette.

Pero dumating na ang mga pulis. At kaagad pinosasan si Alona.

“Bakit pinosasan na ninyo ako? Hindi pa nga ako nalitis at nahatulan? Gusto kong umuwi sa bahay namin dahil baka kung napaano na sina Yawan at Yawana.”

“Hayaan n’yo po, Aling Alona. Sumama na kayo. Ako na ang titingin sa kapatid ko sa ama.” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with