Ipagpapasalamat Kalaunan
Kung nagtitipid dahil sa may pinag-iipunan,subukan na tanggihan muna ang lakad ng barkada.
Maaaring manatili sa bahay, magluto ng special meal na mas mura. Kung bibili ang miyembro ng latest na gadget, puwedeng mag-isip na bumili sa garage sale na halos ¼ ang presyo. Huwag mainggit kung panay ang bakasyon ng iba, dahil maraming nakapilang dream vacation sa iyong retirement. Pero kung balak magbakasyon mas maaga ang bookings, mas mura ang magagastos. Kung puwedeng mag-drive, mas makakamura rin na komportable pa sa pagbibiyahe kung may karelyebo sa daan.
Para malabanan ang tukso sa sobrang gastos, mas makakatipid kung mananatili muna sa bahay na maraming libreng activities na mapaglilibangan kasama pa ang pamilya. Kung hindi makatangging lumabas, piliin ang mas murang budget na ipagpapasalamat kalaunan.
- Latest