^

Para Malibang

Light Show sa Norway Gawa ng Alien?

MRYOSO - Pang-masa

Isang kakaibang light show sa kalangitan ng Norway ang pinagkaguluhan ng mga tao.

Tinawag na Hessdalen Lights, ang hindi maipaliwanag na light show ay aktibo noong mga taong 1981 hanggang 1984. Ang mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagpupunta pa para mag-camp out at masaksihan ang kakaibang light show sa kalangitan. Sinasabing makikita ito 15-20 beses sa isang linggo. Sa ngayon, 15-20 beses na lang itong makikita sa loob ng isang taon.

May scientific explanation dito pero hindi pa rin lubos na napatutunayan. Kaya ang teorya ng iba ay mula ito sa alien spacecraft. Ang iba pang sightings ay kinabibilangan ng headlights, mirages, astronomical bodies, at aircraft.

Gayunpaman, noong May 2014 ay sinasabing nasagot na ng ibang siyentipiko ang misteryo ng light shows na ito sa Norway. Ang teorya ay kapag ang metallic rock sa loob ng bundok ay nahaluan ng maraming sulfur mula sa tubig ay nakakagawa ito ng battery. At kapag ang iodized gas ay nabuo mula sa fumes, nakikita ang liwanag dito. Pero hindi pa rin napatutunayan ang nasabing teorya kaya nananatili pa rin itong misteryo magpasahanggang ngayon.

Palagay n’yo may eksplanasyon nga ba ang siyensya o kagagawan ito ng mga alien?

Kayo na ang humusga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with