Karanasan sa Ibang Bansa
Ang karanasan sa ibang bansa ay malaking karagdagan sa inyong resume o CV.
Ang pagtatrabaho sa labas ng ‘Pinas ay epektibong paraan upang kumita ng mas malaking suweldo, makapag-abroad, makapaglakbay, ma-enjoy ang proseso ng pagiging independent, at maaaring pagbabago ng buhay kasama ang pamilya.
Pero ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay hindi madali.
Maraming makikilalang manlolokong ahensiya, employer, hindi magandang kalagayan ang kababagsakan, o simpleng mawala ang iyong posisyon na swak sana sa buhay na hinahangad.
Maraming nakakatakot na kuwento, pero tuloy pa rin ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Siguraduhin lang na legal ang trabaho at tapat na employers bago tanggapin ang kahit na anong trabaho. Para maging maayos ang buhay sa ibang bansa na maging rewarding din para sa iyong pamilya.
- Latest