^

Para Malibang

Susunod na Pangulo Dapat bang Kamay na Bakal Uli?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Ang pangulo natin ngayon, hindi ko pa masasabing kamay na bakal. Eh hindi pa rin naman siya ganu’n kahigpit tulad ni Marcos noong nanunungkulan pa ito. ‘Yun ang kamay na bakal talaga. Kaya mas gustong kong ganu’n na lang ang pamamalakad noon para mas tahimik ang bansa. Mas kakaunti ang krimen. Sa ngayon nga marami pa rin ang hindi takot gumawa ng krimen. – Alvin, Bulacan

• Nakakatakot kaya ‘yung pamumuno ngayon ng gobyerno natin. Ayoko ng ganitong puro karahasan ang nangyayari at marami ang inosenteng namamatay dahil sa maling paraan ng pamamalakad ng gobyerno. Hindi maganda ang kamay na bakal. Sana ang susunod na manalong presidente ay ‘yung may takot sa Diyos at may malasakit sa kapwa. Hindi lang puro dahas ang alam gawin. – Rico, Cebu

• Naniniwala naman ako sa kakayahan ng kasalukuyang pangulo. Nagagawa naman niyang bawasan ang mga masasamang elemento sa ating bayan. Pero medyo hindi yata tama at sumusobra na rin ang mga nasa posis­yon para gawin ang gusto nila. Hindi maayos at tama ang pagsasagawa ng mahigpit na pamamalakad. Baka may maidulot lang itong hindi maganda sa kabuuan ng bansa. – Chico, Isabela

• Hindi ako pabor sa kamay na bakal. Mas mag-iiba ang ugali ng mga tao kapag ginamitan ng dahas. Kaya mas maganda kung hindi kamay na bakal ang pairalin sa pamamalakad ng bansa. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng boses ng tao at pakikipagtulungan nito sa gobyerno ay mas mapabubuti ang pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa. – Bert, Palawan

• Wala naman ‘yun sa pamamalakad kung kamay na bakal o hindi ang gamitin. Nasa tao ‘yun. Nasa disiplina ng tao, kaya mas maganda sana kung sa bahay pa lang ay maturuan na ng tama ang mga bata lalo sa mga eskwela para maging disiplinado ang mga mamamayan. Hindi na kailangan ng kamay na bakal kapag nagawa ito. – Peter, Bohol

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with