^

Para Malibang

Pangalawang Anino(241)

Gilda Olividado - Pang-masa

MABILIS kumilos ang mga tao. Agad napuno ang simbahan na pinaglilingkuran nina Angela at Ariel.

Bata, matanda, da­laga, binata, mga may-asawa ... nasa simbahan para magdasal nang taimtim.

Tuwang-tuwa si Father. “Hindi napupuno nang ganito ang simbahan natin. Kung minsan, gusto mo pang magpasa­lamat kapag may krisis. Dahil saka lang naaalala ng karamihan na may Diyos.”

“Father, nakakataba ng puso ang pangyaya­ring ito.” Mangha si Angela sa matinding paniniwala ng mga tao sa Diyos.

“Oo nga, Father. Nandidiyan pa nga ang pa­nganib pero puwede tayong magsaya. Dahil talagang lumalaban ang kabutihan laban sa kasamaan.”

“Ariel, palapit na sa atin sina Nanette at pamilya ...”

Nagmano ang mga kapatid ni Nanette sa pari. Pati sina Sheila at Nanette ay nagmano rin kay Father.

Yumakap naman si Angela kay Nanette.

Natutuwang niyakap din ni Nanette ang unang anino.

“Angela, Ariel ... Father, napakalaking prayer rally po nito. Salamat ho at kahit sa napakaikling abiso ay naging posible na bukas ang simbahan para sa malaking dasalan natin.”

“Gustong-gusto ng simbahan ang nangyayaring ito, Nanette. Salamat sa iyo. Nailigtas mo ang mga tao, ang mga bata.”

“Nandidiyan pa rin ho ang panganib. Makapangyarihan din ang hari ng kadiliman, kikilos at kikilos siya para lumakas uli sina Yawan at Yawanaya. Hindi ko maipapangako na lagi ko silang mapipigilan.” Pakumbabang sumagot si Nanette.

“Tutulungan ka namin, Nanette. Sa pamamagitan ng dasal, hindi na tayo papayag na may mawawasak pa ang mga apoy sa mga mata ni Yawan.”

Pinamunuan ni Father ang dasal. Kahit mga bata ay taimtim sa pagtawag ng Panginoon. UMUUSUK-USOK na ang mga katawan nina Yawan at Yawanaya. Na­ngingisay ang dalawa.

Parang mababaliw sa pag-aalala si Alona. “Panay ang kalembang ng simbahan! Pinapalakas nila ang kapangyarihan ng kanilang dasal! Baka mamamatay ang anak ko at ang kanyang pangalawang anino!” -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with