^

Para Malibang

Misis Gustong Magpagalaw sa Iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Tess, 38 years old. May edad na po ako ng maisipan kong mag-asawa. Kuntento na sana ako sa buhay ko kung may anak lang sana kami. Naghahanap pa rin ako ng paraan para magkaanak at pag-aampon ang alam kong solusyon. Kaya lang parang wala akong lakas ng loob na mag-alaga ng hindi ko anak. Minsan ay natukso akong magpagalaw sa ibang lalaki pero natatakot ako sa karma. Pati ang katrabaho ko ay naisipan kong pagtripan. Hindi ko alam kung edad ko lang ba ang problema o may diperensiya rin ang aking asawa.

Dear Tess,

Nagpatingin na ba kayo sa doktor?  Para matiyak mo kung may diperensiya ang mister mo at hindi ikaw? Pag-usapan ninyo nang masinsinan ng asawa mo kung ano ang dapat ninyong gawin at ang tungkol sa pag-aampon kung sakali. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroong nagkakaanak na lampas na sa 40 anyos. Ito ay kung hindi ka pa nagme-menopause. Mali rin ang iniisip mo na magpagalaw sa iba. Sa halip makatulong ay maa­ring magdulot pa ito ng mas malaking problema. Lawakan mo rin ang iyong isipan. Maraming mag-asawa ang hindi pinalad na magkaanak, pero nananatili silang masaya sa piling ng bawat isa. Ipanalangin mo sa Dios na kung kaloob Niya na magkaanak kayo ay ito ang mangyayari. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with