^

Para Malibang

Pangalawang Anino (240)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

DINALA ni Nanette ang bata sa mga magulang nito.

“Heto na po ang inyong anak. Ingatan n’yo siya. Huwag palalabasin na walang kasama. Hindi pa ho tapos ang panganib dito sa atin.”

“Oo nga, Nanette, e. Paano kung dadating ang masamang anino? O kaya si Yawan?”

“May mga banal na tubig pa ba kayo, iyung ipinamigay ng Inay at mga kapatid ko? Isaboy ninyo sa kanila, kahit papaano ay mapapaso sila at makakatakas kayo kasama ang inyong mga anak.”

“Naku, may dalawang bote pang natira sa amin. May magagamit pa kami.”

“Sa ngayon naman ay napahina ko ang lakas nina Yawan at Yawanaya. Pero hindi natin alam kung kailan sila magiging malakas uli. Kung may kapangyarihang itim na tutulong sa kanila. Hindi ko masisiguro ang lahat.”

“Alam namin, Nanette. Hayaan mo, tutulong kami kapag kinakailangan.”

“Tulong na rin ho ninyo basta mag-iingat kayo. Lalo na ang mga bata. Sila ang nasa panganib ngayon dahil sila ang kailangan nina Yawan. Iaalay sila sa hari ng kadiliman para manumbalik ang lakas ni Yawan at ng pangalawang anino.”

UMIIYAK na si Alona. Dalawa nang nakaratay sa kama ngayon. Si Yawan at si Yawanaya.

“Ano’ng gagawin ko? Paano sila matatauhan? Hari ng kadiliman, bakit mo naman sila pinababayaang magkakaganito?”

UMUWI muna si Nanette sa pamilya.

“Anak, salamat naman at nakakapagpahinga ka sa pakikipaglaban kina Yawan.”

“Sa ngayon, safe pa ang lahat, Inay. Dahil si Yawan at ang pangalawang anino ay nakalatag pa sa kanilang marangyang kama. Pero kailangang paghandaan kapag tumulong ang hari ng kadiliman.”

“Kapag nangyari ‘yon, kaya mo pa ba silang labanan?”

“Dasal lang ho. Dasal ko at dasal ng lahat na tao sa baryo natin. Napakamakapangyarihan ho ng dasal lalo na kung sama-sama.”

“Kung ganoon ay magtatayo tayo ng mga prayer rally. Lahat ng tao dito ay kumbinsihin nating makipagdasal. Para kung maari lang ay hindi na makakabangon sina Yawan at Yawanaya. Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with