^

Para Malibang

Global Sea Level Maaaring Tumaas ng Hanggang 200 Talampakan

Pang-masa

Grabe na ‘to!

Talagang nakababahala na ang climate change sa mundo. Noong Hulyo 12, 2017 isang trillion na tonelada ng iceberg ang nalusaw at humiwalay sa Antractica. Ayon sa mga siyentipiko, mabilis matunaw ang mga ice sheet sa mundo sa kasalukuyan kumpara sa mga naitala na noon.

Sa Greenland at Kanlurang Antarctic, dumoble ang bilis ng pagtunaw ng yelo sa loob lamang ng nakaraang limang taon. Isang rason nito ay habang natutunaw ang mga yelo, bumubuo ito ng dark lakes na hindi nagri-reflect ng light pabalik ng kalawakan tulad ng reflective snow. Kaya naman nata-trap ang init at lalong lumalaki ang mga dark lake at natutunaw ang yelo.

Noong 2012 ang katumbas ng yelo na natunaw sa Greenland na dumiretso sa karagatan ay singdami ng tubig sa Niagara falls sa loob ng limang taon. Ang Greenland ice sheet ay sinlaki ng Texas at halos dalawang milya ang kapal. Kapag natunaw, ang global sea level ay tataas ng 20 talampakan.

Mas nakakatakot naman kapag ang mga ice sheet ng Antractica ang tuluyang matunaw dahil tataas ang global sea level ng 200 talampakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with