^

Para Malibang

Pangalawang Anino(238)

Gilda Olividado - Pang-masa

SI ANGELA ay nagtatanong na sa sarili.”Hanggang ganito na lang ba talaga ako? Anino na lamang, laging kulay itim lang ang nakikitang mga tao sa akin?Paano si Ariel? Kuntento siya na anino lang ako?”

“Angela, may problema ka ba?”

“Ariel …”

“Kanina pa kita pinagmamasdan, nakaupo lang, kahit hindi ko nakikita mga mata mo, alam kong sa isang direksiyon lang nakatingin. Hindi kumukurap.”

Natawa si Angela. “Grabe ka naman, pati pagkurap ko ay nai-imagine mo.”

“Ano nga ang problema? Ano ang iniisip mo?”

“De ang napakahirap at napakaabnormal kong sitwasyon. Ang pagkatao ko. Teka, tao nga ba ako? O anino lang talaga na nag-aambisyon maging tao.”

“Para sa akin isa kang tao. Iba man ang itsura mo … tao ka pa rin para sa akin.”

“Aywan ko ba … hindi ko na gusto itong mga naiisip ko, e. Mga bagay na gusto kong mangyari sa akin. Na hindi ko naman alam kung tama o mali.”

“Napakabait mo, napatunayan ko na ‘yan. Kaya naniniwala ako na lahat na mga iniisip mo ay hindi mali.”

“Kahit naiisip ko nang hindi na ako kuntento na maging anino na lang habang-buhay?”

“Ano ba ang gusto mo, Angela?”

Nahihiya ang boses ni Angela.”Maging tulad mo. Tao. May mukha na hindi kulay itim. May mga braso, may mga binti at paa … na kulay ng tao.”

“Pero okay lang na ganyan ka. Napakabait mo naman. Ang boses mo, napakalambing. Mahal kita kahit anino ka lang, Angela.”

“Ang tanong ko ay … puwede ba tayong magpakasal? Maging mag-asawa?”

Napangiti si Ariel, sumaya nang husto ang mukha.”Iyon ba ang gusto mo? Iyon din ang gusto ko, Angela.”

“Pero hindi tayo magkatulad, Ariel. Bakit kaya ako nagkakaroon ng damdamin sa iyo eh, hindi naman puwede?”

“Bakit hindi puwede?”

“Ikakasal ba tayo ni Father nang ganito? Natatakot akong magtanong kay Father kasi baka sasabihin niya hindi puwedeng ikasal ang tao at ang anino.” -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with