Pangalawang Anino (234)
“Adriana … bakit ba tayo ikinukulong dito?”
“Palagay ko, mga masasama sila. Saka hindi ka ba natatakot doon sa anino na dumukot sa atin?”
“Takot na takot siyempre ako. Wala namang aninong tulad niya, hindi ba? Masama siya, baka taga-impiyerno.”
“Kung gano’n huwag nating kainin ang mga pagkain na ‘yan. Baka makakasama sa atin. Baka may lason o kaya gayuma.”
“Pero nagugutom na ako, e.”
“Ako rin kaya lang, nakakatakot talagang kumain ng pagkain na sila ang naghanda at naghain.”
May naamoy silang mabangong-mabango.
“Saan galing ‘yang naaamoy natin? Napakabango, parang maraming sariwang bulaklak!”
“Oo nga!”
Nakita na lang nila bigla si Nanette sa pintong nakasarado. Para itong lumagos at ngayon ay nasa harapan na nila.
“S-sino po kayo? Ang ganda-ganda ninyo! Saka paano po kayo nakapasok eh sarado po ang pinto?”
Ngumiti si Nanette.
“May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Kailangang sumama na kayo sa akin. Nanganganib ang buhay ninyo. Pagdating ng pangatlong bata na iuuwi dito ng pangalawang anino, masasaktan na kayo.”
“Opo! Sasama na po kami! Salamat po at ililigtas ninyo kami! Tiyak na hinahanap na ako ng tatay ko kasi bigla na lang po akong kinuha ng anino sa likuran ng motor ng tatay ko!”
“Ako naman po, Ms. Nanette, inutusan lang ako ni Inay na bumili ng suka sa tindahan. Tapos bigla na rin lang po akong hinuli noong anino.”
“Hindi na niya kayo dapat maabutan dito. Kumapit kayong pareho sa magkabilaang kamay ko. At lalabas tayo sa pintong ‘yan.”
“Nang kahit po nakasarado? Wow, ang galing!”
Tuwang-tuwa ang mga bata na parang dumadaan sila sa isang pinto na walang solid part.
Para lamang isang napakagandang laro ang nangyayari habang akay silang pareho ng dalagang banal palabas sa silid.
TUWANG-TUWA pa naman si Yawanaya nang makapag-uwi ng matabang batang lalaki.
- ITUTULOY
- Latest