Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Photographer Tinuklaw ng Pinipiktyurang Ahas

Isa ang ahas sa mga hayop na pinangingilagan at kinakatakutan ng marami dahil sa taglay nitong kamandag na nakamamatay.

Ganun pa man, iba ang tingin ng photographer na si Mark Laita. Ang ahas kasi ang pinili niyang “subject” at bidang-bida ang mga ito sa kanyang libro na Serpentine.

Ang naturang libro ay koleksyon ng mga litrato ng ahas na may itim na background para mas lumutang ang magandang kulay ng mga ito. Ayon sa author, ang libro ay kanyang pananaw tungkol sa art. Mai-enjoy din ito ng mga snake lovers at herpentologists.

Isa sa mga ahas na napili para ma-feature ay ang kinatatakutang black mamba na matatagpuan sa African continent. Ang ahas ay kilala sa pagiging agresibo nito at makamandag.

Kahit sinunod ang safety precautions habang nagsu-shoot, nangyari ang aksidente. Habang ginagamitan kasi ng may-ari ng ahas ng hook ito ay bigla itong dumulas at napunta sa direksyon ng binti ni Mark. Napiktyuran pa mismo ng photographer ang panunuklaw.

Naka-survive ang photographer dahil ayon sa mga eksperto, “dry-bite” lamang ang kanyang tinamo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: