Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Financial Goals

Iniisip ng marami na pag-iipon ng pinaghirapang pera ay para magkaroon ng komportable sa future.

Pero ito ay isang paraan lamang para magkaroon ng plano na magtabi ng pera. Kung walang konkretong plano ay mawawalan ng direksiyon at maapektuhan ang paglago financially.

Ang pinakamagandang gawin ay mag-set ng isang goal. Ito man ay isang trip papuntang ibang bansa tulad ng Korea na ilang buwan mula ngayon, down payment sa dream house, o para sa malakihang savings gaya ng retirement. Ang pagkakaroon ng specific na goal ay makatutulong na magkaroon ng motibo na ma-track ang iyong target.

Sa panahon ngayon ay nawawala na ang sense ng pagkakaroon ng habit na mag-ipon dahil sa access ng credit card.

Pero ang savings ay nagkakaroon ng panatag na ikaw ay mayroong sapat na ma­dudukot na pera.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: