Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Keso at Alak Panghimagas sa France

Siguradong matutuwa ang mga mahilig sa keso na bibisita sa France. Mahilig kasi ang French mag-dessert. Pero hindi matamis ang pantanggal umay nila rito dahil sosyal ang kanilang nakaugalian.

Kung ikaw ay naimbitahan ng isang French family sa isang hapunan, ‘wag magpapakabusog dahil nakaugalian na nila na pagkatapos kumain ay mag-cheese tasting kapares ang pag-inom ng red wine. Alam naman natin na ang wine ay masarap na kapares ng keso at may iba’t ibang pairings na masarap sa panlasa.

Mahihiligan ito sigurado ng mga taong mahilig sa sosyalan at kuwentuhan. Hindi lang din sa rami ng klase ng keso, marami rin klase ng wine ang mapagpipilian.

Kung tapos naman nang uminom ng red wine at gustong mag-white wine, ‘wag magkakamaling gamitin ang parehong glass na hindi ito hinuhugasan. Dahil baka ang mangyari ay ikaw na ang susunod na topic ng usapan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: