Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Babaeng Sumakit ang Ari Dahil sa Pipino

Grabe na ‘to!

Isang 51 taong gulang na babae mula sa Thailand ang napatakbo sa ospital dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang ari. Ito’y matapos na madulas umano siya at maupuan ang isang pipino na dumiretso sa kanyang maselang parte ng katawan.

Siyempre hindi bumenta ang kanyang kuwento pero pinilit pa rin niyang aksidente ang nangyari na pinagtaasan ng kilay ng mga doctor at nurse na nasa Emergency Room.

Ayon sa report ng Thailand official TV station, umiiyak sa sakit nang dalhin ng babae ang kanyang sarili sa ospital.

Maaalalang isang 20 taong gulang na binata ang nagtiis ng 12 oras matapos ma-stuck ng isang ball-bearing metal sa kanyang ari rin. Pero hindi tulad ng babae ay inamin ng lalaki na kaya na-stuck ito sa kanyang ari ay dahil sa init ng kanyang katawan.

Marami nang istorya ang kumakalat ngayon sa social media na pinag-eeksperimentuhan ng mga taong tinatamaan ng init. Kaya dapat mag-ingat sila kung ayaw nilang mapahiya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: