Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagkaing Nakatutulong sa Pagpapayat

Green coffee – Sagana ang ganitong uri ng kape sa chlorogenic acid, na siyang nagbabawas ng absorption ng asukal sa gastrointestinal tract kaya mas maraming taba ang matutunaw. Ang acid namang taglay nito ay makapagpa-stimulate ng metabolic activity sa liver na makatutulong din sa pagtunaw ng taba.

Mansanas at saging – May taglay na vitamins at antioxidants ang apple na makatutulong sa pagtunaw ng taba sa tiyan. Potassium, calcium. Magnesium at vitamins naman ang mayroon ang saging na pwedeng-pwede gawing snack.

Seafood – Ang sariwa at high quality na laman-dagat ay may monounsaturated fats at source rin ito ng omega 3 fatty acids na mainaw sa mga nagdidiyeta.

Melon at waterme­lon – Ang nasabing mga prutas ay mayaman sa tubig at potassium na makaiiwas sa pamama­ga.

Quinoa – High in fiber at low calorie ang quinoa na makatutulong kung makapagpapayat kung ikaw ay may regular na ehersisyo. Kinokontrol din nito ang gana sa pagkain. Hitik ito sa proteins, antioxidants at iba pang nutrient gaya ng iron, zinc, at vitamin E.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: