Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Putulin ang Sumpa sa Pamilya

Dear Vaneza,

Bilib na bilib ang lahat ng pamilya namin sa pinsan kong lalaki na limang taon ang tanda sa akin dahil na nakapasa  siya ng board exam sa engineering. Ang hindi alam ng lahat ay may itinatagong kademonyohan ang pinsan ko na bait-baitan sa harap ng maraming tao. Pero nung  12 years old ako ay minolestiya niya ako habang wala sila mommy at daddy. Sampung taon na ang lumipas pero hindi ko sinabi sa magulang ko. Lalo na ngayon sa kanyang estado. Natatakot akong magkagulo ang aming pamilya. Baon ko pa rin ang bangungot nang minsang pagsamantalahan ako habang natutulog. Minsan gusto ko nang sabihin dahil ang bait niya sa mga nakababata kong pinsan, para lang sana ay hindi maulit sa kanila ang kahayupan niya na naranasan ko . Dapat pa ba akong magsumbong? – Marie

Dear Marie,

Ang pang-aabuso ay cycle na umiikot sa pamil­ya dahil walang naglalakas ng loob na magsumbong. Puwedeng hindi ka na magsumbong pero kailangan mong komprontahin ang iyong pinsan sa kanyang ginawa kaharap ng mapapagkatiwalaang miyembro ng pamilya. Upang matigil na ang puwede pa niyang gawin sa ibang babae sa inyong pamilya.  Hanggang hindi mo nasasabi ang iyong karanasan ay habang buhay na mauulit ito na puwede sa iyong magiging anak. Kaya kailangan mong putulin ang masamang cycle o sumpa upang magbigay babala para sa ibang kababaihan hindi lang sa inyong pamilya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: