Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Puting Itlog sa Buhok

Isang hair care guru si Sushmita at naglalabas siya ng mga video tungkol sa tamang pagpapahaba ng buhok at pagpapalago ng buhok.

Ayon sa kanyang vlog (video blog), nasubukan na niya ang halos lahat ng natural hair care tips. Pero ang mga sumusunod ang napatunayan niyang epek­tibo at hanggang ngayon ay ginagamit pa niya.

Itlog – Ihiwalay ang puti ng itlog sa pula nito. Ihalo itong (puti ng itlog) mabuti hanggang sa kumapal. Ilagay ito sa anit at ibalot ng plastic ng limang minuto. Hitik sa protina ang puti ng itlog na maganda sa kalusugan ng ating buhok.

Laman ng Aloe Vera – Mabisa ang halamang ito sa pagpapatubo ng buhok. Mayroon din itong taglay na bitamina para sa pag-aalaga ng anit.

Malamig na tubig – Hugasan ang buhok sa malamig na tubig. Sinasara ng malamig na tubig ang pores sa ating buhok/balat para mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating katawan/ulo. Ito ay nagreresulta sa makintab na pagtubo ng buhok.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: